Read The Bible

expand_more
expand_more

15

Wawasakin ng Diyos ang Moab

1Ito ang pahayag tungkol sa Moab: Noong gabing gibain ang Ar, gumuho na ang Moab, noong gabing wasakin ang Kir, bumagsak na ang Moab.

2Umahon sa mga templo ang mga taga-Dibon, upang sa mga burol sila ay manangis; iniiyakan ng Moab ang Nebo at Medeba. Bawat isa sa kanila'y nagpakalbo at nag-ahit ng balbas dahil sa pagdadalamhati.

3Lahat ay nagluluksa sa mga lansangan, nanaghoy sila sa mga bubungan ng bahay at sa mga liwasang-bayan.

4Nananaghoy ang Hesbon at ang Eleale, dinig hanggang Jahaz ang kanilang iyakan, nasisindak pati mga mandirigma ng Moab, silang mga kawal, ngayo'y naduduwag.

5Nahahabag ako sa Moab, nagsisitakas ang kanyang mamamayan patungo sa lupain ng Zoar, hanggang Eglat-selisiya. Lumuluha silang umahon sa gulod ng Luhit, humahagulgol sa daang patungo sa Horonaim, dahil sa kapahamakang kanilang sinapit.

6Natuyo ang mga batis ng Nimrim, natuyo ang mga damo, natigang ang mga kaparangan, walang natirang sariwang halaman.

7Kaya itinawid nila sa kabila ng Batis Herabim ang lahat nilang kayamanan at ari-arian.

8Laganap sa buong Moab ang iyakan, abot sa Eglaim ang hagulgulan, dinig na dinig hanggang sa Beer-elim.

9Pumula sa dugo ang mga batis ng Dibon; ngunit may iba pang sakunang inihanda ko para sa kanya: Papatayin ng leon ang lahat ng matitira sa Moab.

Tungkol sa ISAIAS Kabanata 15

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 9 talata mula sa aklat ng ISAIAS sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng ISAIAS ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 15 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store