Mga Talatang Biblikal

Ang perpektong lugar upang ibahagi ang iyong mga paboritong talata sa Bibliya

search

Mga Sikat na Talata

Tuklasin ang mga talatang biblikal na nagbubunyag

Sat, 10 Jan

Talata ng araw

101 Gustung-gusto ng mga tao ang talatang ito ngayon

“Huwag kayong magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ako si Yahweh.

LEVITICO 19:17-18

Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan,

ANG MGA GAWA 3:19

Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.

MGA KAWIKAAN 28:13

Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.

I JUAN 2:2

Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangaral sa inyo ang kapatawaran ng kasalanan. At ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay pinapatawad na sa lahat ng pagkakasalang hindi naipatawad sa inyo sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan ni Moises.

ANG MGA GAWA 13:38-39

Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan, at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.”

MGA HEBREO 8:12

Magandang payo'y tinatanggap ng pusong may unawa, ngunit kapahamakan ang wakas ng mangmang na masalita.

MGA KAWIKAAN 10:8

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.

SANTIAGO 1:5

Huwag mong itatanong kung bakit mabuti noong araw kaysa ngayon, pagkat iya'y tanong na walang katuturan.

ECLESIASTES 7:10

Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal, ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay.

MGA KAWIKAAN 19:8

Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.

MGA KAWIKAAN 13:10

Ipinakilala na kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala, upang ang pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila.”

JUAN 17:26

Ang nais niya ay kat'wira't katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.

MGA AWIT 33:5

Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,

MATEO 5:44

Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay, kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan. Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat, at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.

MGA AWIT 63:3-4

Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali. Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Pangalan mo'y nakaukit sa aking mga palad.

ISAIAS 49:15-16

Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan na ninyo ang Magandang Balita!”

MARCOS 1:15

Kaya't ang mga tumanggap sa sinabi niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na iyon.

ANG MGA GAWA 2:41

Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.

MGA HEBREO 11:1

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

JUAN 20:29

Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay,

I MGA TAGA CORINTO 16:13

Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.

MGA KAWIKAAN 13:12

Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako'y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan.

MGA AWIT 42:11

Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong.

MGA AWIT 130:5

Ikaw lamang ang muog ko at matibay na sanggalang, ang pangako mo sa akin ay lubos kong aasahan.

MGA AWIT 119:114

Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!

MGA AWIT 33:22

Mga Paksang Biblikal

Mga Pananaw sa Bibliya: Pagsusuri sa mga Talata at Paksa

Mga Talata sa mga Aklat ng Bibliya

Hanapin ang iyong mga paboritong talata sa Lumang at Bagong Tipan

Lumang Tipan

Bagong Tipan

Basahin ang Bibliya sa loob ng isang taon