Read The Bible

expand_more
expand_more

1

Ang Unang Sensus sa Israel

1Noong unang araw ng ikalawang buwan matapos umalis sa Egipto ang sambayanang Israel, si Yahweh ay nangusap kay Moises habang siya'y nasa loob ng Toldang Tipanan na noo'y nasa ilang ng Sinai. Ang sabi ni Yahweh,

2“Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng buong sambayanan ng Israel ayon sa kani-kanilang angkan at lipi. Ilista ninyo ang lahat ng lalaki

3mula sa gulang na dalawampu pataas, lahat ng maaari nang lumaban sa digmaan. Magpatulong ka kay Aaron

4at sa pinuno ng bawat angkan.”

16Ito ang mga pinuno ng bawat lipi na tutulong sa iyo: Ruben Elizur na anak ni Sedeur Simeon Selumiel na anak ni Zurisadai Juda Naason na anak ni Aminadab Isacar Nathanael na anak ni Zuar Zebulun Eliab na anak ni Helon Efraim Elisama na anak ni Amiud Manases Gamaliel na anak ni Pedazur Benjamin Abidan na anak ni Gideoni Dan Ahiezer na anak ni Amisadai Asher Pagiel na anak ni Ocran Gad Eliasaf na anak ni Deuel Neftali Ahira na anak ni Enan

17Ang mga taong nabanggit ay isinama nina Moises at Aaron,

18at noong unang araw ng ikalawang buwan, tinipon nila ang lahat ng Israelita. Itinala nila ang lahat ng lalaki mula sa gulang na dalawampu pataas, ayon sa kani-kanilang lipi.

19Ginawa nila ito sa ilang ng Sinai, ayon sa utos ni Yahweh.

43Ito ang kanilang naitala: Ruben 46,500 Simeon 59,300 Gad 5,650 Juda 74,600 Isacar 54,400 Zebulun 57,400 Efraim 40,500 Manases 32,200 Benjamin 35,400 Dan 62,700 Asher 41,500 Neftali 53,400

45Lahat ng lalaki sa Israel mula sa dalawampung taon pataas at maaaring isama sa hukbo upang makidigma ay itinala nga nina Moises at Aaron. Sila ay tinulungan ng labindalawang pinuno na mula sa bawat lipi ng Israel.

Ang Paghirang sa mga Levita

46Ang kabuuang bilang ay 603,550.

47Ang mga Levita ay hindi kabilang sa sensus na ito

48sapagkat ganito ang bilin ni Yahweh kay Moises:

49“Huwag mong isasama sa sensus ng Israel ang mga Levita.

50Sa kanila mo ibibigay ang tungkulin ng paglilingkod sa Toldang Tipanan. Itatayo nila ang kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan at sila ang bubuhat nito pati ang mga kasangkapan nito.

51Kung kailangang tanggalin ang tabernakulo, sila ang magtatanggal at kung kailangang itayong muli, sila rin ang magtatayo. At sinumang lumapit sa tabernakulo liban sa kanila ay dapat patayin.

52Ang mga lipi ng Israel ay magtatayo ng kanya-kanyang tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat.

53Ang mga Levita naman ay magtatayo ng kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan para walang ibang makalapit dito, sapagkat kapag may ibang lumapit dito, tiyak na paparusahan ko ang buong Israel. Ang mga Levita nga ang mangangalaga sa Toldang Tipanan.”

54Ang lahat ng mga utos na ito ni Yahweh ay sinunod ng mga Israelita.

Tungkol sa MGA BILANG Kabanata 1

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 19 talata mula sa aklat ng MGA BILANG sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA BILANG ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 1 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store