Read The Bible

expand_more
expand_more

2

Ang Kampo at ang Pinuno ng Bawat Lipi

1Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron:

2Ang mga Israelita'y magtatayo ng kanilang tolda sa paligid ng Toldang Tipanan sa labas ng hanay ng mga Levita, at bawat angkan ay sama-sama sa ilalim ng kanilang watawat.

8Sa gawing silangan magkakampo ang pangkat ng mga lipi ni Juda, Isacar, at Zebulun: Juda Naason na anak ni Aminadab 74,600 Isacar Nathanael na anak ni Zuar 54,400 Zebulun Eliab na anak ni Helon 57,400

9Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 186,400. Sila ang mauuna sa bawat paglakad.

15Sa gawing timog naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Ruben, Simeon, at Gad: Ruben Elizur na anak ni Sedeur 46,500 Simeon Selumiel na anak ni Zurisadai 59,300 Gad Eliasaf na anak ni Deuel 45,650

16Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 151,450. Ang pangkat na ito ang susunod sa pangkat na pangungunahan ng lipi ni Juda.

17Maging sa paglilipat ng Toldang Tipanan, ang pangkat ng mga Levita ay mananatili sa gitna ng ibang mga pangkat. Sa pagpapatuloy ng paglalakbay, mananatili ang bawat pangkat sa dating ayos sa ilalim ng kani-kanilang watawat.

23Sa gawing kanluran naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Efraim, Manases, at Benjamin: Efraim Elisama na anak ni Amiud 40,500 Manases Gamaliel na anak ni Pedazur 32,200 Benjamin Abidan na anak ni Gideoni 35,400

24Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 108,100. Sila ang pangatlo sa hanay.

30At sa gawing hilaga naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Dan, Asher, at Neftali: Dan Ahiezer na anak ni Amisadai 62,700 Asher Pagiel na anak ni Ocran 41,500 Neftali Ahira na anak ni Enan 53,400

31Ang pangkat na ito ay umaabot sa 157,600. Sila ang kahuli-hulihan sa hanay ng mga kawal.

32Iyon ang bilang ng mga Israelita ayon sa kani-kanilang lipi. Lahat-lahat ay umabot sa 603,550.

33Hindi kabilang dito ang mga Levita tulad ng ipinagbilin ni Yahweh kay Moises na huwag isasama sa sensus ang mga ito.

34Ang lahat ay ginawa ng mga Israelita ayon sa utos ni Yahweh. Nagtayo sila ng tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat, at pangkat-pangkat na nagpatuloy sa paglalakbay.

Tungkol sa MGA BILANG Kabanata 2

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 14 talata mula sa aklat ng MGA BILANG sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA BILANG ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 2 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store