Read The Bible

expand_more
expand_more

9

1Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan.

2Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin, ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain.

3Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan, upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan:

4“Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.” Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit:

5“Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko, at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo.

6Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay, at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”

7Ang pumupuna sa mapangutya ay nag-aani ng pagdusta, ang nagtutuwid sa masama'y nagkakamit ng alipusta.

8Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo, ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito.

9Matalino'y turuan mo't lalo siyang tatalino, ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito.

10Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.

11Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong mga araw, dahil sa akin, lalawig ang iyong buhay.

12Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang pakinabang, ngunit ika'y magdurusa kapag siya'y tinanggihan.

13Ang nakakatulad nitong taong mangmang, babaing magaslaw at walang kahihiyan.

14Lagi siyang naroon sa pinto ng kanyang bahay, o sa lantad na bahagi ng lansangan nitong bayan.

15Bawat taong nagdaraan na kanyang masulyapan, ay pilit na tatawagin at kanyang aanyayahan,

16“Lapit dito, kayong lahat na kulang sa kaalaman!” Kanya namang sinasabi sa mga mangmang,

17“Tubig na ninakaw ay ubod ng tamis, tinapay na nakaw, masarap na labis.”

18Hindi alam ng biktimang wakas niyo'y kamatayan, at lahat ng pumasok doo'y naroon na sa libingan.

Tungkol sa MGA KAWIKAAN Kabanata 9

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 18 talata mula sa aklat ng MGA KAWIKAAN sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA KAWIKAAN ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 9 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store