Read The Bible

expand_more
expand_more

11

Pagtitiwala kay Yahweh

1Kay Yahweh ko isinalig ang aking kaligtasan, kaya't ang ganito'y huwag sabihin ninuman: “Lumipad kang tulad ng ibon patungo sa kabundukan,

2sapagkat ang pana ng masasama ay laging nakaumang, upang tudlain ang taong matuwid mula sa kadiliman.

3Ang mabuting tao'y mayroon bang magagawa, kapag ang mga pundasyon ng buhay ay nasira?”

4Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo, doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono, at buhat doo'y pinagmamasdan ang lahat ng tao, walang maitatagong anuman sa gawa ng mga ito.

5Ang mabuti at masama ay kanyang sinusuri; sa taong suwail siya'y lubos na namumuhi.

6Pinauulanan niya ng apoy at asupre ang masasamang tao; at sa mainit na hangin sila'y kanyang pinapaso.

7Si Yahweh ay matuwid at sa gawang mabuti'y nalulugod; sa piling niya'y mabubuhay ang sa kanya'y sumusunod.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 11

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 7 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 11 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store