Read The Bible

expand_more
expand_more

110

Si Yahweh at ang Piniling Hari

1Sinabi ni Yahweh, sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”

2Magmula sa dakong Zion, ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop; “At lahat ng kaaway mo'y sakupin at pagharian,” gayon ang kanyang utos.

3Sasamahan ka ng madla, kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway; magmula sa mga bundok, lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.

4Si Yahweh ay may pangako at ang kanyang sinabi, hinding-hindi magbabago: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”

5Si Yahweh ay naroroong nakaupo sa kanan mo, at kapag siya ay nagalit, ang lahat ng mga hari ay tiyak na malulupig.

6Siya'y hukom na hahatol sa lahat ng mga bansa; sa labanang walang puknat, marami ang malalagas! Sapagkat ang mga hari'y lulupigin niyang lahat.

7Sa batis sa lansangan, itong hari ay iinom, at sisigla ang katawan; sa lakas na tataglayin, matatamo ang tagumpay.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 110

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 7 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 110 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store