Read The Bible

expand_more
expand_more

111

Awit ng Pagpupuri sa Kadakilaan ni Yahweh

1Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.

2Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila, mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;

3lahat niyang gawa'y dakila at wagas, katuwiran niya'y hindi magwawakas.

4Hindi maaalis sa ating gunita, si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha.

5Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana; pangako ni Yahweh ay di nasisira.

6Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay, nang ibigay niya lupa ng dayuhan.

7Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat, at maaasahan lahat niyang batas.

8Ito ay lalagi at di magwawakas, pagkat ang saliga'y totoo't matapat.

9Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang, may ipinangakong walang hanggang tipan; Banal at dakila ang kanyang pangalan!

10Ang pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan. Taong masunurin, pupurihing lubos. Purihin ang Diyos magpakailanman!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 111

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 10 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 111 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store