Read The Bible

expand_more
expand_more

112

Mapalad ang Mabuting Tao

1Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taus-pusong sumusunod sa kanyang kautusan.

2Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala.

3Magiging sagana sa kanyang tahanan, pagpapala niya'y walang katapusan.

4Ang taong matuwid, may bait at habag, kahit sa madilim taglay ay liwanag.

5Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.

6Hindi mabibigo ang taong matuwid, di malilimutan kahit isang saglit.

7Masamang balita'y hindi nagigitla, matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala.

8Wala siyang takot hindi nangangamba, alam na babagsak ang kaaway niya.

9Nagbibigay sa mga nangangailangan, pagiging mat'wid niya'y walang hanggan, buong karangalang siya'y itataas.

10Kung makita ito ng mga masama, lumalayas silang mabagsik ang mukha; pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 112

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 10 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 112 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store