Read The Bible

expand_more
expand_more

113

Awit ng Pagpupuri kay Yahweh

1Purihin si Yahweh! Dapat na magpuri ang mga alipin, ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin.

2Ang kanyang pangalan ay papupurihan, magmula ngayo't magpakailanman,

3buhat sa silangan, hanggang sa kanluran, ang ngalan ni Yahweh, dapat papurihan.

4Siya'y naghahari sa lahat ng bansa, lampas pa sa langit ang pagkadakila.

5Sino bang katulad ng Diyos na si Yahweh, na sa kalangitan doon nakaluklok?

6Buhat sa itaas siya'y tumutunghay, ang lupa at langit kanyang minamasdan.

7Mula kapanglawa'y itong mahihirap, kanyang itinataas, kanyang nililingap.

8Sa mga prinsipe ay isinasama, sa mga prinsipe nitong bayan niya.

9Ang babaing baog pinagpapala niya, binibigyang anak para lumigaya. Purihin si Yahweh!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 113

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 9 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 113 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store