Read The Bible

expand_more
expand_more

114

Awit ng Paggunita sa Exodo

1Ang bayang Israel sa bansang Egipto'y kanyang inilabas, nang ang lahing ito sa bansang dayuhan lahat ay lumikas.

2Magmula na noon ang lupaing Juda'y naging dakong banal, at bansang Israel ginawa ng Diyos na sariling bayan.

3Ang Dagat ng Tambo, nang ito'y makita, nagbigay ng daan, magkabilang panig ng Ilog ng Jordan ay tumigil naman.

4Maging mga bundok, katulad ng tupa, ay pawang nanginig, pati mga burol, nanginig na parang tupang maliliit.

5Ano ang nangyari, at ikaw, O dagat, nagbigay ng daan? Ikaw Ilog Jordan, bakit ang tubig mo ay tumigil naman?

6Kayong mga bundok, bakit parang kambing na nagsisilundag? Kayong mga burol, maliit na tupa'y inyo namang katulad?

7Ikaw, O daigdig, sa harap ni Yahweh, ngayon ay manginig, dapat kang matakot sapagkat darating ang Diyos ni Jacob,

8sa malaking bato nagpabukal siya ng saganang tubig, at magmula roon ang tubig na ito ay nagiging batis.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 114

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 8 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 114 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store