Read The Bible

expand_more
expand_more

116

Pagpupuri ng Taong Naligtas sa Kamatayan

1Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig, dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik;

2ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag, kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.

3Noong ako'y mahuhulog sa bingit ng kamatayan, nadarama ko ang tindi ng takot ko sa libingan; lipos ako ng pangamba at masidhing katakutan.

4Sa ganoong kalagayan, si Yahweh ang tinawag ko, at ako ay nagsumamo na iligtas niya ako.

5Si Yahweh'y napakabuti, mahal niya ang katuwiran, Diyos siyang mahabagin, sa awa ay mayaman.

6Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo; noong ako ay manganib, iniligtas niya ako.

7Manalig ka, O puso ko, kay Yahweh ka magtiwala, pagkat siya ay mabuti't hindi siya nagpapabaya.

8Ako'y kanyang iniligtas sa kuko ng kamatayan, tinubos sa pagkatalo, at luha ko'y pinahiran.

9Sa presensya ni Yahweh doon ako mananahan, doon ako mananahan sa daigdig nitong buháy.

10Laging buháy ang pag-asa, patuloy ang pananalig, bagama't ang aking sabi'y, “Ako'y ganap nang nalupig.”

11Bagama't ako'y takot, nasasabi ko kung minsan, “Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.”

12Kay Yahweh na aking Diyos, anong aking ihahandog, sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?

13Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

14Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang, ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay.

15Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki, kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat.

16O Yahweh, naririto akong inyong abang lingkod, katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos; yamang ako'y iniligtas, kinalinga at tinubos.

17Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak.

19Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang, sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan. Purihin si Yahweh!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 116

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 18 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 116 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store