Read The Bible

expand_more
expand_more

12

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos

1O Yahweh, kami sana'y iligtas mo! Pagkat wala na ngayong mabuting tao, wala nang taong tapat at totoo.

2Nagsisinungaling silang lahat sa isa't isa, nagkukunwari at nagdadayaan sila.

3Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila, at sarhan ang bibig ng hambog magsalita;

4silang laging nagsasabi, “Kami'y magsasalita ng nais namin; at sa gusto nami'y walang makakapigil!”

5“Darating na ako,” sabi ni Yahweh, “Upang saklolohan ang mga inaapi. Sa pinag-uusig na walang magkupkop, hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!”

6Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan, ang katulad nila'y pilak na lantay; tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay.

7Kami, Yahweh, ay lagi mong ingatan, sa ganitong mga tao ay huwag pabayaan;

8Ang masasamang tao'y nasa lahat ng lugar, ang mga gawang liko ay ikinararangal!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 12

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 8 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 12 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store