Read The Bible

expand_more
expand_more

121

Si Yahweh ang Ating Tagapagtanggol

1Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling?

2Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

3Di niya ako hahayaang mabuwal, siya'y di matutulog, ako'y babantayan.

4Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, hindi natutulog at palaging gising!

5Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang.

6Di ka maaano sa init ng araw, kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.

7Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas.

8Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 121

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 8 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 121 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store