Read The Bible

expand_more
expand_more

122

1Ako ay nagalak nang sabihin nila: “Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”

2Sama-sama kami matapos sapitin, ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem.

3Itong Jerusalem ay napakaganda, matatag at maayos na lunsod siya.

4Dito umaahon ang lahat ng angkan, lipi ni Israel upang manambahan, ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan, pagkat ito'y utos na dapat gampanan.

5Doon din naroon ang mga hukuman at trono ng haring hahatol sa tanan.

6Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.

7Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang palasyo mo ay maging tiwasay.”

8Alang-alang sa kasama at pamilya ko, sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito: “Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.”

9Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos, ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 122

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 9 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 122 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store