Read The Bible

expand_more
expand_more

124

1Ano kaya't kung si Yahweh ay di pumanig sa atin; O Israel, ano kaya yaong iyong sasabihin?

2“Kung ang Diyos na si Yahweh, sa amin ay di pumanig, noong kami'y salakayin ng kaaway na malupit,

3maaaring kami noon ay nilamon na nang buháy sa silakbo ng damdamin at ng galit na sukdulan.

4Maaaring kami noo'y natangay na niyong agos, naanod sa karagata't tuluy-tuloy na nalunod;

5sa lakas ng agos noo'y nalunod nga kaming lubos.

6Tayo ay magpasalamat, si Yahweh ay papurihan, pagkat tayo'y iniligtas sa malupit na kaaway.

7Ang katulad nati'y ibong sa bitag ay nakatakas; lubos tayong nakalaya nang ang bitag ay mawasak.

8Tulong nating kailangan ay kay Yahweh nagmumula, pagkat itong lupa't langit tanging siya ang lumikha.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 124

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 8 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 124 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store