Read The Bible

expand_more
expand_more

13

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos

1Hanggang kailan, Yahweh, ako'y iyong lilimutin? Gaano katagal kang magtatago sa akin?

2Gaano katagal pa itong hapdi ng damdamin at ang lungkot sa puso kong gabi't araw titiisin? Kaaway ko'y hanggang kailan magwawagi sa akin?

3Yahweh, aking Diyos, tingnan mo ako at sagutin, huwag hayaang mamatay, lakas ko'y panumbalikin.

4Baka sabihin ng kaaway ko na ako'y kanilang natalo, at sila'y magyabang dahil sa pagbagsak ko.

5Nananalig ako sa pag-ibig mong wagas, magagalak ako dahil ako'y ililigtas.

6O Yahweh, ika'y aking aawitan, dahil sa iyong masaganang kabutihan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 13

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 6 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 13 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store