Read The Bible

expand_more
expand_more

17

Panalangin ng Isang Walang Sala

1Pakinggan mo, Yahweh, ang sigaw ng katarungan, dinggin mo ako sa aking kahilingan; dalangin ko sana'y iyong pakinggan, sapagkat labi ko nama'y hindi nanlilinlang.

2Hahatol ka para sa aking panig, pagkat alam mo kung ano ang matuwid.

3Kaibuturan ng puso ko ay iyong nababatid, kahit sa gabi'y ikaw sa aki'y nagmamasid. Siniyasat mo ako at napatunayang matuwid, walang kasamaan maging sa aking bibig.

4Ang salita ko nga'y tapat, di tulad ng karamihan; tapat akong sumusunod sa utos mong ibinigay, ako ay umiiwas sa landas ng karahasan.

5Lagi kong nilalakaran ang iyong daan, hindi ako lumihis doon kahit kailan.

6Tumatawag ako sa iyo, O Diyos, sapagkat ako'y iyong sinasagot; kaya ngayo'y pakinggan mo ako at pansinin ang karaingan ko.

7Ipakita mo sa akin ang kahanga-hanga mong pagmamahal, at ang iyong kanang kamay ang sa aki'y umalalay.

8Ako'y bantayan mo, ang paborito mong anak, at palagi mong ingatan sa lilim ng iyong pakpak;

9mula sa kuko ng masasama ako'y iyong iligtas. Napapaligiran ako ng malulupit na kaaway,

10mayayabang magsalita, suwail at matatapang;

11saanman ako magpunta'y lagi akong sinusundan, naghihintay ng sandali na ako ay maibuwal.

12Para silang mga leon, na sa aki'y nag-aabang, mga batang leon na nakahandang sumagpang.

13Lumapit ka, O Yahweh, mga kaaway ko'y hadlangan, sa pamamagitan ng tabak, ako'y ipaglaban!

14Sa lakas ng iyong bisig ako'y iyong isanggalang, sa ganitong mga taong sagana ang pamumuhay. Ibagsak mo sa kanila ang parusang iyong laan, pati mga anak nila ay labis mong pahirapan at kanilang salinlahi sa galit mo ay idamay!

15Dahil ako'y matuwid, ang mukha mo'y makikita; at sa aking paggising, sa piling mo'y liligaya.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 17

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 15 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 17 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store