Read The Bible

expand_more
expand_more

19

Ang Paglilikha at ang Kadakilaan ng Diyos

1Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

2Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.

3Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig;

4ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,

5tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan, tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan.

Ang Batas ni Yahweh

6Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran, walang nakapagtatago sa init nitong taglay.

7Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang, ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan. Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan, nagbibigay ng talino sa payak na isipan.

8Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran, ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban. Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama, nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa.

9Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay, magpapatuloy ito magpakailanman; ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan, patas at walang kinikilingan.

10Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong lantay, mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan.

11Ang mga utos mo, Yahweh, ay babala sa iyong lingkod, may malaking gantimpala kapag aking sinusunod.

12Walang taong pumupuna sa sarili niyang kamalian, iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na kasalanan.

13Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan, huwag mong itulot na maghari sa akin ang kasamaan. Sa gayo'y mamumuhay akong walang kapintasan, at walang bahid ng masama ang aking mga kamay.

14Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 19

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 14 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 19 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store