Read The Bible

expand_more
expand_more

2

Ang Haring Pinili ni Yahweh

1Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa? Sa sabwatan nilang ito'y anong kanilang mapapala?

2Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang:

3Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos; dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.”

4Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang, lahat ng plano nila ay wala namang katuturan.

5Sa tindi ng kanyang galit, sila'y kanyang binalaan; sa tindi ng poot, sila'y kanyang sinabihan,

6“Doon sa Zion, sa bundok na banal, ang haring pinili ko'y aking itinalaga.”

7“Ipahahayag ko ang sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Ikaw ang aking anak, mula ngayo'y ako na ang iyong ama.

8Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo, maging ang buong daigdig ay ipapamana ko.

9Dudurugin mo sila ng tungkod na bakal; tulad ng palayok, sila'y magkakabasag-basag.’”

10Kaya't magpakatalino kayo, mga hari ng mundo, ang babalang ito'y unawain ninyo:

11Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak

12yumukod kayo't magparangal, baka magalit siya't bigla kayong parusahan. Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 2

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 12 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 2 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store