Read The Bible

expand_more
expand_more

20

Panalangin Upang Magtagumpay

1Pakinggan ka sana ni Yahweh kapag ika'y nagdurusa! At ang Diyos ni Jacob ingatan ka sana.

2Mula sa Templo, ikaw sana'y kanyang tulungan, at mula sa Zion, ikaw ay kanyang alalayan.

3Ang handog mo nawa ay kanyang tanggapin, at pahalagahan niya ang lahat nang iyong haing susunugin. (Selah)

4Nawa'y ipagkaloob niya ang iyong hangarin, at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin.

5Sa pagtatagumpay mo kami ay magbubunyi, magpupuri sa Diyos sa aming pagdiriwang. Ibigay nawa ni Yahweh ang lahat mong kahilingan.

6Ngayon ko nalalaman na si Yahweh ang nagbigay, sa pinili niyang hari, ng kanyang tagumpay! Siya'y tinutugon niya mula sa kalangitan, mga dakilang tagumpay kanyang makakamtan.

7Mayroong umaasa sa karwaheng pandigma, at mayroon ding sa kabayo nagtitiwala; ngunit sa kapangyarihan ni Yahweh na aming Diyos, nananalig kami at umaasang lubos.

8Sila'y manghihina at tuluyang babagsak, ngunit tayo'y tatayo at mananatiling matatag.

9O Yahweh, ang hari'y iyong pagtagumpayin; ang aming panawagan, ay iyong sagutin.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 20

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 9 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 20 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store