Read The Bible

expand_more
expand_more

21

Pagpupuri sa Pagtatagumpay

1Natutuwa ang hari, Yahweh, dahil sa bigay mong lakas, dahil sa iyong tulong siya ay nagagalak.

2Iyong ibinigay ang kanyang inaasam, ipinagkaloob mo ang kanyang kahilingan. (Selah)

3Nilapitan mo siya't lubos na binasbasan, dalisay na gintong korona, sa ulo niya'y inilagay.

4Humiling siya ng buhay at iyong ibinigay, ng mahabang buhay, na magpakailanman.

5Dahil sa tulong mo, dakila ang kanyang karangalan, dangal at kadakilaan sa kanya'y iyong ibinigay.

6Pagpapala mo'y nasa kanya magpakailanman, ang iyong patnubay, dulot sa kanya'y kagalakan.

7Sa Kataas-taasang Diyos ang hari ay nagtitiwala, dahil sa tapat na pag-ibig ni Yahweh, di siya nababahala.

8Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway, bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam.

9Sa kanyang pagdating, sa apoy sila'y susunugin, sa galit ni Yahweh, sa apoy sila'y tutupukin.

10Walang matitira sa kanilang lahi, sapagkat sila'y lilipulin ng hari.

11Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila.

12Sila'y kanyang papanain, sila'y uurong at patatakbuhin.

13Pinupuri ka namin, Yahweh, sa taglay mong kalakasan! Aawit kami at magpupuri dahil sa iyong kapangyarihan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 21

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 13 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 21 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store