Read The Bible

expand_more
expand_more

24

Ang Dakilang Hari

1Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon.

2Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan, inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman.

3Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon? Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon?

4Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan; at hindi sumusumpa ng kasinungalingan.

5Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan, ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan.

6Ganoon ang mga taong lumalapit sa Diyos, silang dumudulog sa Diyos ni Jacob. (Selah)

7Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang hari'y papasok at daraan.

8Sino ba itong dakilang hari? Siya si Yahweh na malakas at makapangyarihan, si Yahweh, matagumpay sa labanan.

9Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang hari'y papasok at daraan.

10Sino ba itong dakilang hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari! (Selah)

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 24

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 10 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 24 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store