Read The Bible

expand_more
expand_more

26

Panalangin ng Isang Mabuting Tao

1Ipahayag mo ako, Yahweh, na walang sala, pagkat ako'y matuwid at sa iyo'y lubos na umaasa.

2Yahweh, ako'y siyasatin mo at subukin, hatulan mo ang iniisip at ang aking hangarin.

3Pag-ibig mong wagas ang aking patnubay, ang iyong katapatan ang lagi kong kaagapay.

4Di ako nakikisama sa walang kuwentang tao, hindi ako nakikiisa sa mga hipokrito.

5Ang nakikisama sa kanila ay aking kinamumuhian, at ang makihalo sa kanila'y aking iniiwasan.

6Kamay ko'y malinis pagkat ako'y walang kasalanan, ako'y lumalakad, Yahweh, sa paligid ng iyong altar.

7Awit ng pasasalamat ay aking inaawit, gawa mong kahanga-hanga, ay aking sinasambit.

8Mahal ko, Yahweh, ang Templo mong tahanan, sapagkat naroroon ang iyong kaluwalhatian.

9Sa parusa ng masasama, huwag mo akong idamay, ilayo rin sa parusa ng mahihilig sa pagpatay—

10mga taong walang magawâ kundi kasamaan, at palaging naghihintay na sila ay suhulan.

11Ngunit para sa akin, gagawin ko ang tama, kaya iligtas mo ako at sa akin ay maawa.

12Ako ay ligtas sa lahat ng kapahamakan; pupurihin ko si Yahweh sa gitna ng kapulungan!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 26

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 12 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 26 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store