Read The Bible

expand_more
expand_more

28

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos

1Tagapagtanggol kong Yahweh, ako'y nananawagan, sana'y iyong pakinggan itong aking karaingan. Kung katugunan ay hindi mo ibibigay, para na rin akong nasa daigdig ng mga patay.

2Pakinggan mo sana ang paghingi ko ng saklolo, kapag itinataas ang kamay ko sa iyong banal na Templo.

3Huwag mo akong ibilang sa mga masasama, na pawang kalikuan ang mga ginagawa; kung magsalita'y parang mga kaibigan, ngunit sa puso'y may pagkamuhing taglay.

4Parusahan mo sila sa kanilang ginagawa, pagkat mga gawa nila'y pawang masasama. Parusa sa kanila'y iyong igawad, ibigay sa kanila ang hatol na dapat.

5Mga gawa ni Yahweh ay di nila pinapansin, mabubuti niyang gawa'y ayaw intindihin; kaya't sila'y kanyang pupuksain, at hindi na muling pababangunin.

6Si Yahweh ay dapat purihin! Dininig niya ang aking mga daing.

7Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

8Iniingatan ni Yahweh ang kanyang sambayanan; siya ang kanlungan ng kanyang haring hinirang.

9Iligtas mo, Yahweh, ang iyong bayan, ang mga sa iyo, ay iyong basbasan. Alagaan mo sila magpakailanman, tulad ng pastol sa kanyang kawan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 28

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 9 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 28 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store