Read The Bible

expand_more
expand_more

29

Ang Tinig ni Yahweh sa Gitna ng Unos

1Purihin ninyo si Yahweh, mga nilikha sa kalangitan, kilalanin ang kanyang lakas at kanyang kaluwalhatian.

2Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan, sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan.

3Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat, ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat, umaalingawngaw at naririnig ng lahat.

4Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan, at punung-puno ng kadakilaan.

5Maging mga punong sedar ng Lebanon, sa tinig ni Yahweh, mawawasak ang mga iyon.

6Parang guyang pinalulundag niya ang mga bundok ng Lebanon, parang torong pinalulukso niya ang Bundok Hermon.

7Dahil sa tinig ni Yahweh, kidlat ay gumuguhit.

8Kapag siya'y nagsalita, disyerto'y nayayanig; inuuga niya pati ang ilang ng Kades.

9Sa tinig ni Yahweh, mga usa'y napapaanak, at nakakalbo pati ang mga gubat, lahat ng nasa Templo'y sumisigaw, “Ang Diyos ay papurihan!”

10Si Yahweh'y naghahari sa mga kalaliman, nakaupo sa trono, bilang hari kailanman.

11Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 29

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 11 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 29 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store