Read The Bible

expand_more
expand_more

3

Panalangin sa Umaga

1O Yahweh, napakarami pong kaaway, na sa akin ay kumakalaban!

2Ang lagi nilang pinag-uusapan, ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah)

3Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.

4Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong, sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah)

5Ako'y nakakatulog at nagigising, buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin.

6Sa maraming kalaba'y di ako matatakot, magsipag-abang man sila sa aking palibot.

7Yahweh na aking Diyos, iligtas mo ako! Parusahang lahat, mga kaaway ko, kapangyarihan nila'y iyong igupo.

8Si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay; pagpalain mo nawa ang iyong bayan! (Selah)

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 3

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 8 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 3 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store