Read The Bible

expand_more
expand_more

30

Panalangin ng Pagpapasalamat

1Pinupuri kita, Yahweh, pagkat ako'y iyong iniligtas, mga kaaway ko'y di mo hinayaang magmataas.

2Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing, at ako nama'y iyong pinagaling.

3Hinango mo ako mula sa libingan, at mula sa hukay, ako'y muli mong binuhay.

4Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!

5Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.

6Sinabi ko sa sarili pagkat ako'y panatag, “Kailanma'y hindi ako matitinag.”

7Kay buti mo, Yahweh, ako'y iyong iningatan, tulad sa isang muog sa kabundukan. Ngunit natakot ako, nang ako'y iyong iwan.

8Sa iyo, Yahweh, ako'y nanawagan, nagsumamo na ako ay tulungan:

9“Anong halaga pa kung ako'y mamamatay? Anong pakinabang kung malibing sa hukay? Makakapagpuri ba ang mga walang buhay? Maipapahayag ba nila ang iyong katapatan?

10Pakinggan mo ako, Yahweh, at kahabagan, O Yahweh, ako po sana'y tulungan!”

11Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit.

12Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 30

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 12 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 30 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store