Read The Bible

expand_more
expand_more

33

Awit ng Pagpupuri

1Lahat ng matuwid dapat na magsaya, dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila; kayong masunuri'y magpuri sa kanya!

2Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan, tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;

3Isang bagong awit, awiting malakas, kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!

4Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita, at maaasahan ang kanyang ginawa.

5Ang nais niya ay kat'wira't katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.

6Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa't talang maririkit;

7sa iisang dako, tubig ay tinipon, at sa kalaliman ay doon kinulong.

8Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha!

9Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa.

10Ang binabalangkas niyong mga bansa, kanyang nababago't winawalang-bisa.

11Ngunit ang mga panukala ni Yahweh, hindi masisira, ito'y mananatili.

12Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos; mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

13Magmula sa langit, kanyang minamasdan ang lahat ng tao na kanyang nilalang.

14Nagmamasid siya at namamahala sa lahat ng tao sa balat ng lupa.

15Ang isip nila'y sa kanya nagmula walang nalilingid sa kanilang gawa.

16Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay, ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal;

17kabayong pandigma'y di na kailangan, upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay; di makakapagligtas, lakas nilang taglay.

18Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.

19Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay.

20Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya.

21Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.

22Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 33

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 22 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 33 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store