Read The Bible

expand_more
expand_more

34

Pagpuri Dahil sa Kabutihan ng Diyos

1Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.

2Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naaapi, makinig, matuwa!

3Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!

4Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot.

5Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila.

6Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa.

7Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

8Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

9Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan, nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.

10Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.

11Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang.

12Sinong may gusto ng mahabang buhay; sinong may nais ng masaganang buhay?

13Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.

14Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan.

15Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.

16Sa mga masasama, siya'y tumatalikod, at sa alaala, sila'y mawawala.

17Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib.

18Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.

19Ang taong matuwid, may suliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.

20Kukupkupin siya nang lubus-lubusan, kahit isang buto'y hindi mababali.

21Ngunit ang masama, ay kasamaan din sa taglay na buhay ang siyang kikitil.

22Mga lingkod niya'y kanyang ililigtas, sa nagpapasakop, siya ang mag-iingat!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 34

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 22 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 34 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store