Read The Bible

expand_more
expand_more

4

Panalangin sa Gabi

1Sagutin mo po ang aking pagtawag, O Diyos, na aking kalasag! Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan, kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan.

2Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin? Ang walang kabuluhan at kasinungalingan, hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah)

3Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid, kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig.

4Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit; sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah)

5Nararapat na handog, inyong ialay, pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay.

6Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?” Ikaw, O Yahweh ang totoong mahabagin!

7Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin.

8Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 4

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 8 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 4 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store