Read The Bible

expand_more
expand_more

41

Panalangin ng Isang Maysakit

1Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag.

2Buhay niya'y iingatan, si Yahweh lang ang may hawak, sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak, at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad.

3Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit, ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik.

4Ang pahayag ko kay Yahweh, “Tunay akong nagkasala, iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!”

5Yaong mga kaaway ko, ang palaging binabadya, “Kailan ka mamamatay, ganap na mawawala?”

6Yaong mga dumadalaw sa akin ay hindi tapat; ang balitang masasama ang palaging sinasagap, at saan ma'y sinasabi upang ako ay mawasak.

7Ang lahat ng namumuhi'y ang lagi nilang usapan, ako raw ay ubod sama, ang panabi sa bulungan.

8Ang sakit ko, sabi nila, ay wala nang kagamutan, hindi na makakabangon sa banig ng karamdaman.

9Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.

10Sa akin ay mahabag ka, Yahweh, ako'y kaawaan; ibalik mo ang lakas ko't kaaway ko'y babalingan.

11Kung ikaw ay nalulugod, ganito ko malalaman, sa aki'y di magwawagi kahit sino ang kaaway.

12Tulungan mo ako ngayon, yamang ako'y naging tapat. Sa piling mo ay patuloy na ingatan akong ganap.

13Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel! Purihin siya, ngayon at magpakailanman! Amen! Amen!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 41

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 13 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 41 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store