Read The Bible

expand_more
expand_more

43

Panalangin ng Isang Dinalang-bihag (Karugtong ng Awit 42)

1Hatulan mong ako'y walang kasalanan, Panginoon, at laban sa masasama, ako'y iyong ipagtanggol; sa masama't sinungaling, ilayo mo ako ngayon!

2Diyos na aking sanggalang, bakit mo ako iniwan? Bakit ako nagdurusa sa pahirap ng kaaway?

3Ang totoo't ang liwanag, buhat sa iyo ay pakamtan, upang sa Zion ay mabalik, sa bundok mong dakong banal sa bundok mong pinagpala, at sa templo mong tirahan.

4Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog, yamang galak at ligaya ang sa aki'y iyong dulot; sa saliw ng aking alpa'y magpupuri akong lubos, buong lugod na aawit ako sa Diyos, na aking Diyos!

5Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis? Sa Diyos ako ay aasa at sa kanya mananalig. Muli akong magpupuri sa Diyos ko't Tagapagligtas, itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 43

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 5 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 43 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store