Read The Bible

expand_more
expand_more

46

Ang Diyos ay Sumasaatin

1Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.

2Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay;

3kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)

4May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo'y ligaya ang dulot.

5Ang tahanang-lunsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga.

6Nangingilabot din bansa't kaharian, sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.

7Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)

8Anuman ang kanyang ginawa sa lupa, sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga!

9Maging pagbabaka ay napatitigil, sibat at palaso'y madaling sirain; baluting sanggalang ay kayang tupukin!

10Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”

11Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 46

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 11 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 46 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store