Read The Bible

expand_more
expand_more

47

Kataas-taasang Hari

1Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!

2Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang; siya'y naghahari sa sangkatauhan.

3Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao, sa lahat ng bansa'y namahala tayo.

4Siya ang pumili ng ating tahanan, ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah)

5Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos, sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog.

6Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya'y papurihan!

7Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; awita't purihin ng mga nilikha!

8Maghahari siya sa lahat ng bansa, magmula sa tronong banal at dakila.

9Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham, sasama ang mga pamunuan ng lahat ng bansa sa sandaigdigan. Ang mga sandata ng lahat ng kawal, lahat ay sa Diyos na kataas-taasan.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 47

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 9 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 47 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store