Read The Bible

expand_more
expand_more

48

Zion, ang Bayan ng Diyos

1Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.

2Ang Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod; bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob.

3Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman, sa loob ng muog ng banal na bayan.

4Itong mga hari ay nagtipun-tipon, upang sumalakay sa Bundok ng Zion.

5Sila ay nagulat nang ito'y mamasdan, pawang nagsitakas at nahintakutan.

6Ang nakakatulad ng pangamba nila ay pagluluwal ng butihing ina.

7Tulad ng malaking barkong naglalayag, sa hanging silangan dagling nawawasak. Ang naglalakihang barkong naglalayag.

8Sa banal na lunsod ay aming namasid ang kanyang ginawa na aming narinig; ang Diyos na si Yahweh, Makapangyarihan, siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya magpakailanman. (Selah)

9Sa loob ng iyong templo, aming Diyos, nagunita namin pag-ibig mong lubos.

10Ika'y pinupuri ng lahat saanman, sa buong daigdig ang dakila'y ikaw, at kung mamahala ay makatarungan.

11Kayong taga-Zion, dapat na magalak! At ang buong Juda'y magdiwang na lahat, dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak.

12Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat ng tore doon ay bilangin;

13ang nakapaligid na pader pansinin, mga muog nito'y inyong siyasatin; upang sa susunod na lahi'y isaysay,

14na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman, sa buong panahon siya ang patnubay.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 48

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 14 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 48 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store