Read The Bible

expand_more
expand_more

5

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos

1Pakinggan mo Yahweh ang aking pagdaing, ang aking panaghoy, sana'y bigyang pansin.

2Aking Diyos at hari, karaingan ko'y pakinggan, sapagkat sa iyo lang ako nananawagan.

3Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin.

4Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan.

5Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan, mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman.

6Pinupuksa mo Yahweh, ang mga sinungaling, galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang.

7Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal, makakapasok ako sa iyong tahanan; ika'y sambahin ko sa Templo mong banal, luluhod ako tanda ng aking paggalang.

8Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran, dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang, landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan.

9Ang mga sinasabi ng mga kaaway ko'y kasinungalingan; saloobin nila'y pawang kabulukan; parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan, pananalita nila'y pawang panlilinlang.

10O Diyos, sila sana'y iyong panagutin, sa sariling pakana, sila'y iyong pabagsakin; sa dami ng pagkakasala nila, sila'y iyong itakwil, sapagkat mapaghimagsik sila at mga suwail.

11Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan.

12Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 5

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 12 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 5 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store