Read The Bible

expand_more
expand_more

53

Ang Kasamaan ng Tao (Awit 14)

1Sinabi ng hangal sa kanyang sarili, “Wala namang Diyos!” Wala nang matuwid lahat nang gawain nila'y pawang buktot.

2Magmula sa langit ang Diyos nagmamasid sa kanyang nilalang, kung mayro'ng marunong at tapat sa kanya na nananambahan.

3Ngunit kahit isa ni isang mabuti ay walang nakita, lahat ay lumayo at naging masama, lahat sa kanila.

4Ang tanong ng Diyos “Sila ba'y mangmang at walang kaalaman? Ayaw manalangin, kaya't bayan ko'y pinagnanakawan.”

5Subalit darating ang di pa nadaranas nilang pagkatakot, pagkat ang kalansay ng mga kaaway, ikakalat ng Diyos, sila'y itatakwil, magagapi sila nang lubos na lubos.

6Ang aking dalangi'y dumating sa Israel ang iyong pagliligtas na mula sa Zion! Kung ang bayan ng Diyos ay muling umunlad, ang angkan ni Jacob, bayan ng Israel, lubos na magagalak!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 53

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 6 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 53 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store