Read The Bible

expand_more
expand_more

54

Panalangin Upang Saklolohan

1Makapangyarihang Diyos, ako'y iligtas, ipagsanggalang mo ng iyong lakas.

2Dinggin mo, O Diyos, aking panalangin, iyo ngang pakinggan, aking mga daing.

3Ang nagmamataas ay laban sa akin, hangad ng malupit ang ako'y patayin, kanilang nilimot na ang Diyos ay sundin. (Selah)

4Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong, tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.

5Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway; ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan.

6Buong galak naman akong maghahandog ng pasasalamat kay Yahweh, dahilan sa kanyang kagandahang-loob.

7Iniligtas ako sa kabagabagan, iniligtas niya sa mga kaaway, at aking nakitang sila ay talunan!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 54

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 7 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 54 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store