Read The Bible

expand_more
expand_more

58

Panalangin Para Parusahan ng Diyos ang Masasama

1Tama ba ang hatol ng mga pinuno? Ang hatol ba ninyo'y pantay at totoo?

2Hindi! pagkat ang inyong binabalangkas pawang karahasa't gawaing di tama.

3Iyang masasama sa mula't mula pa, mula sa pagsilang ay sinungaling na.

4Sila'y makamandag, ahas ang kaparis, katulad ay kobrang ang tainga ay may takip;

5itong mga tawak at salamangkero, di niya dinirinig, hindi pansin ito.

6Bungiin ang ngipin nila, O Panginoon, alisin ang pangil niyong mga leon.

7Itapon mo silang katulad ng tubig, sa daa'y duruging parang mga yagit.

8Parang mga susô, sa dumi magwakas, batang di nabuhay sa sangmaliwanag.

9Puputulin silang hindi nila batid, itatapon ng Diyos sa tindi ng galit; bagaman buháy pa'y iyon na ang sinapit.

10Ang mga matuwid nama'y magagalak kung ang masasama'y parusahang ganap; pagkakita nila sa dugong dumanak, hindi mangingiming doon na tumahak.

11Saka sasabihin ng mga nilalang, “Ang mga matuwid ay gantimpalaan; tunay ngang may Diyos, na hukom ng lahat!”

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 58

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 11 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 58 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store