Read The Bible

expand_more
expand_more

60

Panalangin Upang Iligtas

1Kami'y iyong itinakwil, O Diyos, kami ay nilupig, kami sana'y balikan mo kung ikaw man ay nagalit.

2Yaong lupang sinaktan mo'y nanginginig na lupain, bago lubos na mawasak, gamutin mo't pagalingin.

3Labis na ang paghihirap nitong iyong mga lingkod, lasing kami't langung-lango sa alak na iyong dulot.

4Silang mga sumasamba, O Diyos, iyong hinudyatan, upang sila'y makatakas sa kamay nitong kalaban. (Selah)

5Ang dalangin nami'y dinggin, sa lakas mo ay iligtas, upang sila na mahal mo'y mahango sa paghihirap.

6Sinabi nga nitong Diyos mula sa dako niyang banal, “Hahatiin ko ang Shekem tanda ng pagtatagumpay; ibibigay ko ang Sucot sa lingkod ko't mga hirang.

7Ang Gilead at Manases, ang lugar na yao'y akin; ang helmet na gagawin ko ay ang dako ng Efraim; samantalang itong Juda ay setrong dadakilain.

8Yaong bansa nitong Moab ay gagawin kong hugasan, samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan; at sa Filistia, tagumpay ko'y ipagsisigawan.”

9Sa lunsod na kinutaan, sino'ng kasama, Panginoon? Sino kayang magdadala sa akin sa lupang Edom?

10Itinakwil mo ba kami, kami ba ay iniwan na? Paano ang hukbo namin, sino ngayon ang sasama?

11O Diyos, kami'y tulungan mo, laban sa aming kaaway, pagkat ang tulong ng tao ay wala nang kabuluhan;

12Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin, matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 60

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 12 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 60 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store