Read The Bible

expand_more
expand_more

61

Panalangin Upang Ingatan ng Diyos

1Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin; inyo pong pakinggan, ang aking hinaing!

2Tumatawag ako dahilan sa lumbay, sapagkat malayo ako sa tahanan. Iligtas mo ako, ako ay ingatan,

3pagkat ikaw, O Diyos, ang aking kanlungan, matibay na muog laban sa kaaway.

4Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay; sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah)

5Lahat kong pangako, O Diyos, iyong alam at abâ mong lingkod, tunay na binigyan ng mga pamana na iyong inilaan sa nagpaparangal sa iyong pangalan.

6Ang buhay ng hari sana'y pahabain; bayaang ang buhay niya'y patagalin!

7Paghahari niya sa iyong harapan, sana'y magpatuloy habang nabubuhay; kaya naman siya ay iyong lukuban ng iyong pag-ibig na walang kapantay.

8At kung magkagayon, kita'y aawitan, ako'y maghahandog sa iyo araw-araw.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 61

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 8 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 61 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store