Read The Bible

expand_more
expand_more

64

Panalangin Upang Ingatan ng Diyos

1O Diyos, ang hibik ko, ang aking dalangin sana ay pakinggan, sa pagkaligalig dahil sa kaaway, huwag akong hayaan;

2ipagtanggol ako sa mga pakana't lihim na sabwatan, niyong mga pangkat na ang binabalak pawang kasamaan.

3Ang kanilang dila'y katulad ng tabak na napakatalas, tulad ng palasong iniaasinta kung sila'y mangusap.

4Sa kublihan nila, sila'y nag-aabang sa mabuting tao, at walang awa nilang tinutudla sa pagdaan nito.

5Sa gawang masama ay nagsasabwatan, nag-uusap sila, kung saan dadalhin ang patibong nilang di dapat makita.

6At ang sasabihin pagkatapos nilang makapagbalangkas, “Ayos na ayos na itong kasamaang ating binabalak.” Damdamin ng tao at ang isip niya'y mahiwagang ganap!

7Subalit ang Diyos na may palaso ri'y di magpapabaya, walang abug-abog sila'y tutudlai't susugatang bigla.

8Dahilan sa sila'y masamang nangungusap, kaya wawasakin, at ang makakita sa gayong sinapit sila'y sisisihin;

9yaong nakakita'y sisidlan ng takot, ipamamalita ang gawa ni Yahweh at isasaisip ang kanyang ginawa.

10Sa gawa ni Yahweh, ang mga matuwid pawang magagalak, magpupuri sila at sa piling niya ay mapapanatag.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 64

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 10 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 64 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store