Read The Bible

expand_more
expand_more

67

Awit ng Pagpapasalamat

1O Diyos, pagpalain kami't kahabagan, kami Panginoo'y iyong kaawaan, (Selah)

2upang sa daigdig mabatid ng lahat ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

3Purihin ka nawa ng lahat ng tao, purihin ka nila sa lahat ng dako.

4Nawa'y purihin ka ng mga nilikha, pagkat matuwid kang humatol sa madla; ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Selah)

5Purihin ka nawa ng lahat ng tao, purihin ka nila sa lahat ng dako.

6Nag-aning mabuti ang mga lupain, pinagpala kami ni Yahweh, Diyos namin!

7Magpatuloy nawa iyong pagpapala upang igalang ka ng lahat ng bansa.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 67

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 7 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 67 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store