Read The Bible

expand_more
expand_more

70

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos (Awit 40:13-17)

1Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas, tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!

2Mga taong nagtatangkang kumitil sa aking buhay, bayaan mong mangalito't mag-ani ng kabiguan; iyon namang natutuwa sa taglay kong kahirapan, bayaan mong mapahiya at magapi ng kalaban.

3Sila namang ang layunin ay magtawa at mangutya, sa kanilang pagkatalo, bayaan ding mapahiya.

4Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa, gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa, at sabihing lagi nila: “O Diyos, ikaw ay dakila!”

5Lubos akong naghihirap, tunay na nanghihina, lumapit ka sana agad, O Diyos, sana'y lumapit ka; O aking tagapagligtas, katulong ko sa tuwina, huwag mo akong paghintayin, Yahweh, sana'y mahabag ka!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 70

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 5 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 70 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store