Read The Bible

expand_more
expand_more

75

Diyos ang Siyang Huhusga

1Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

2Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon, walang pagtatanging ako ay hahatol.

3Itong mundong ito'y kahit na mayanig, maubos ang tao dito sa daigdig, ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah)

4“Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat.

5Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.”

6Hindi sa silangan, hindi sa kanluran, hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan.

7Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay.

8Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin.

9Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas.

10Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 75

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 10 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 75 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store