Read The Bible

expand_more
expand_more

76

Diyos ang Magtatagumpay

1Tunay na si Yahweh'y kilala sa Juda, sa buong Israel, dakilang talaga;

2nasa Jerusalem ang tahanan niya, sa Bundok ng Zion, doon tumitira.

3Lahat ng sandata ng mga kaaway, mga pana't sundang, baluting sanggalang, doon niya sinirang walang pakundangan. (Selah)

4O Diyos, dakila ka, ikaw ay maringal higit pa sa matatag na kabundukan.

5Walang magawâ, matatapang na kawal, binawi ng Diyos ang taglay na samsam; nahihimbing sila at nakahandusay, mga lakas nila, lahat ay pumanaw.

6Nang ika'y magalit, O Diyos ni Jacob, sakay at kabayo'y pawang nangalugmok.

7Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan! Sino ang tatayo sa iyong harapan kapag nagalit ka sa mga kinapal?

8Sa iyong paghatol na mula sa langit, ang lahat sa mundo'y takot at tahimik.

9Nang ika'y tumayo't gawin ang paglitis, naligtas ang mga api sa daigdig. (Selah)

10Ang matinding galit sa iyo ng tao, hahantong na lahat sa pagpuri sa iyo. Silang nangaligtas sa mga labanan, laging magpupuri at mangagdiriwang.

11Mga pangako mo kay Yahweh, iyong Diyos, ay iyong tuparin nang tapat sa loob; dapat na magdala ng mga kaloob ang lahat ng bansa sa iyong palibot.

12Hambog na prinsipe ay ibinababâ, tinatakot niya hari mang dakila.

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 76

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 12 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 76 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store