Read The Bible

expand_more
expand_more

80

Panalangin Upang Muling Ibalik ang Israel

1Pastol ng Israel, ikaw na nanguna't umakay kay Jose, na tulad sa kawan, ikiling sa amin ang iyong pandinig, kami ay pakinggan; mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.

2Ang iyong pag-ibig iyong ipadama sa angkan ni Efraim, Manases at Benjamin, sa taglay mong lakas, kami ay iligtas, sa hirap ay tubusin!

3Ibalik mo kami, O Diyos, at ipadama mo ang iyong pagmamahal, iligtas mo kami, at sa iyong sinag kami ay tanglawan.

4Yahweh, Makapangyarihang Diyos, hanggang kailan ba patatagalin mo ang galit sa amin? Hanggang kailan pa diringgin mo kami sa aming dalangin?

5Masdan mo nga kami sa tuwi-tuwina'y tinapay ng luha yaong kinakain, luha ng hinagpis, ang inihanda mo na aming inumin.

6Ang mga bansa sa paligid, hinayaan mong kami ay kutyain, iyong pinayagang pagtawanan kami ng kaaway namin.

7Ibalik mo kami, O Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat; tanglawan mo kami't sa kahabagan mo, kami ay iligtas!

8Mula sa Egipto ikaw ay naglabas ng puno ng ubas, saka itinanim sa lupang dayuhan, matapos ang tao roo'y palayasin.

9Ngunit nilinis mo muna't pinagyaman ang piniling lugar na pagtataniman, doon ay nag-ugat, ang buong lupain ay nalaganapan.

10Nagsanga ang puno, lumagong mabuti at ang kabunduka'y kanyang naliliman, mga punong sedar, naliliman pati ng sangang malabay.

11Hanggang sa ibayo, sa ibayong dagat, ang sangang malabay nito'y nakaabot, pati mga ugat humabang mabuti't umabot sa Ilog.

12Bakit mo sinira? Sinira ang pader, kung kaya napasok nitong dumaraan, pinipitas tuloy yaong bunga nitong tanim na naturan.

13Mga baboy damong nagmula sa gubat, niluluray itong walang pakundangan, kinakain ito ng lahat ng hayop na nasa sa parang.

14Ika'y manumbalik, O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas, at ang punong ito'y muling pagyamanin, at iyong iligtas.

15Lumapit ka sana, ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas, yaong punong iyon na pinalago mo't iyong pinalakas!

16Ito ay sinunog, sinunog pa nila ang nasabing puno matapos maputol, sa galit mo't poot ay iyong harapin nang sila'y malipol.

17Ang mga lingkod mo ay iyong ingatan, yamang hinirang mo ay ipagsanggalang, iyong palakasin bilang isang bansang makapangyarihan!

18At kung magkagayon, magbabalik kami't di na magtataksil sa iyo kailanman, kami'y pasiglahi't aming pupurihin ang iyong pangalan.

19Ibalik mo kami, O Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat; tanglawan mo kami't sa kahabagan mo, kami ay iligtas!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 80

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 19 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 80 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store