Read The Bible

expand_more
expand_more

82

Diyos ang Kataas-taasang Hari

1Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan, sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan:

2“Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah)

3Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.

4Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!

5“Anong pagkamangmang ninyo, wala kayong nalalaman! Sa gitna ng kadilima'y doon kayo nananahan, sa ibabaw ng daigdig ay wala nang katarungan.

6Ang sabi ko, kayo'y diyos, anak ng Kataas-taasan,

7ngunit tulad nitong tao, lahat kayo'y mamamatay; katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay.”

8O Diyos, ikaw ay magbangon at daigdig pagharian, ang lahat ng mga bansa ay hawak ng iyong kamay!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 82

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 8 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 82 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store