Read The Bible

expand_more
expand_more

83

Panalangin Upang Matalo ang mga Kalaban

1Huwag kang manahimik, O Diyos, huwag kang magpabaya, ikaw ay kumilos.

2Hayun! Ang kaaway nagsisipag-alsa, at ang namumuhi'y kinakalaban ka.

3Sila'y nagbabalak laban sa hinirang, laban sa lahat ng iyong iningatan.

4Ganito ang sabi, “Ating papawiin, ang kanilang bansa'y ating lilipulin; upang ang Israel, malimutan na rin!”

5Nagkakaisang lahat, sila ay nagplano, kanilang pasya ay lumaban sa iyo.

6Ang lahi ni Edom at ang Ismaelita, Moab at Agarenos lahat nagkaisa.

7Ang Gebal at Ammon gayon din ang pasya, Amalek at Tiro at ang Filistia.

8Pati ang Asiria'y nakipagsabwatan, sa lahi ni Lot, nakipagtulungan. (Selah)

9Mga bansang ito'y iyong parusahan, tulad ng parusang ginawa sa Midian, kay Jabi't Siserang nalupig sa laban nang sa Ilog Kison, buhay winakasan.

10Pinatay lahat at ang hukbo'y nawasak, sa Endor, ang bangkay nila ay nagkalat.

11Yaong mga bantog nilang punong-kawal, kay Oreb at Zeeb iparis ang buhay. Lupigin mong lahat ang pinuno nila tulad ng sinapit ni Zeba't Zalmuna,

12sila ang nagsabing, “Ang pastulan ng Diyos ay ating kamkami't maging ating lubos.”

13Ikalat mo silang parang alikabok, tulad ng dayami na tangay ng unos.

14Tulad ng pagtupok ng apoy sa gubat, nang ang kaburula'y kubkob na ng ningas,

15gayon mo habulin ng bagyong malakas, ito ang gawin mo't nang sila'y masindak.

16Mga taong yaon sana'y hiyain mo, upang matutong maglingkod sa iyo.

17Lupigin mo sila't takuting lubusan, lubos mong hiyain hanggang sa mamatay.

18Sana ikaw, Yahweh, kanilang mabatid, ang tangi't dakilang hari ng daigdig!

Tungkol sa MGA AWIT Kabanata 83

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng 18 talata mula sa aklat ng MGA AWIT sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05). Maaari mong basahin, pag-aralan, at tuklasin ang buong teksto ng kabanatang ito online.

Ang aklat ng MGA AWIT ay isang mahalagang bahagi ng Bibliya, na nag-aalok ng mahalagang mga aral at pananaw. Ang kabanata 83 ay nagbibigay ng mahalagang konteksto para sa pag-unawa sa mas malawak na salaysay at mensahe ng aklat ng Bibliya na ito.

Tuklasin ang higit pang mga kabanata at matuklasan ang walang hanggang karunungan ng Bibliya online sa BibleOfVerse.com.

Spiritful Bible App icon

Bible App Basahin ang Bibliya, Kahit Kailan at Kahit Saan

Download Spiritful on Google PlayDownload Spiritful on App Store